-- Advertisements --

Mahigit 50 minero ang pinangangambahang patay matapos na sila ay matabunan dahil sa mudslide sa Myanmar.

Itinuturong dahilan ng pagguho ng minahan ay ang pagkaapaw ng lawa sa Hpakant.

Tatlong minero ng jade mine ang kumpirmado at mayroong mahigit 51 pa ang na-trap sa loob ng minahan.

Nagtulong-tulong na ang mga rescuers para sa mabilisang mailigtas ang mga naipit sa minahan.

Wala pang tiyak na bilang kung ilang minero ang naipit dahil sa hindi regulated ang nasabing minahan.