BUTUAN CITY – Kinumpirma ni Dr. Hazel Claire Ang, ang HIV and AIDS Core Team o HACT physician ng Butuan Medical Center na ikasiyam ang Caraga Region sa buong Pilipinas na may mataas na kaso ng Human Immunodeficiency Virus-Acquired Immunodeficiency Syndrome o HIV/AIDS ngayong taon.
Sa 57% na naitalang HIV cases nitong rehiyon as of Nobyembre ngayong taon, 356 nito ang mga lalaki habang 26 naman ang mga babae.
Ayon kay Dr. Ang, ang edad na apektado sa mga kaso ng HIV-AIDS ay nasa 20 hanggang 34-anyos.
Base ito sa ilang latest statistics kungsaan nangunguna sa buong bansa ang National Capital Region o NCR na nakapagtala ng 23-porsientong pagtaas ng kaso ngayong taon habang 3-porsiento naman ang itinaas sa Caraga Region kumpara nitong nakalipas na taon.
Ayon pa kay Dr. Ang, ang lungsod ng Butuan ay syang may pinakamaraming kaso na umabot sa 57.7-porsiento sa kabuu-ang kaso.