GENERALSANTOS CITY – Kaagad namigay ng tent at pagkain ang City Disaster Risk reduction Management Office (CDRRMO) sa biktima ng sunog sa Barangay West sa General Santos City.
Ayon kay CDRRMO head Dr. Agripino Dacera ,posibleng mamigay din ng cash assistance para sa mga biktima na nakisilong sa San Juan Chapel malapit sa lugar.
Pasado alas-2:00 ng hapon nang biglang umapoy ang isa sa bahay sa lugar at dahil gawa sa mga light materials ay madaling kumalat ang apoy at tinupok ang mahigit kumulang sa 50 bahay sa lugar.
Una nang kinumpirma ni Barangay West Captain Yolando Acharon na ang pinagyarihan sa sunog ay inukopa ng mga informal settlers na nasa gilid ng baybayin.
Kasama rin ang kapitan sa mga nagresponde sa lugar kahit nakatakda na itong magbigay ng State of the Barangay Address sa oras na iyon.
Kaagad naman niyang pinakilos ang mga tanod para bantayan ang kapilya na tulugan ngayong gabi ng mga biktima ng sunog.
Sa pagtaya ng mga otoridad, aabot sa P430,00 ang danyos sa sunog.