-- Advertisements --
Nasa mahigit 50 mga balyena ang namatay matapos na sila ay ma-stranded sa Western Australia.
Ayon sa Parks and Wildlife Service ng Western Australia, na maraming mga pilot whales ang napadpad sa mababaw na bahagi ng dagat kaya hindi sila nakaalis.
Nagkumahog ang mga volunteers na maitaboy sa malalim na bahagi ang mga balyena para sila ay mabuhay pa.
Paniwala ng mga eksperto na kaya napadpad sa mababaw na bahagi ng dagat ang mga balyena ay maaring may mga iniwasan silang kanilang kalaban o mga sasakyang pandagat.
Magugunitang noong nakaraang buwan ay mayroong 50 pilot whales din ang nasawi matapos na ma-stranded sa northwestern Scottish island.