-- Advertisements --
Nasa mahgiit 50 Turkish-backed militia fighters ang napatay sa air-strikes na isinagawa ng Russia sa Idlib province sa Syria.
Tinarget sa nasabing atake ang training base ng mga islamist group na Faylaq al-Sham.
Marami ang lubhang nasugatan at inaasahan na tataas pa ang bilang ng mga masasawi.
Dahil sa atake ay nanganganib ang ceasefire na napagkasunduan ng Russia at Turkey.
Ang idlib kasi ay siyang huling probinsiya na hawak ng mga rebel at jihadist.