Asahang magpapatuloy at madagdagan pa ang bilang mga operasyong isasagawa ng Pilipinas at Estados Unidos hanggang sa susunod na taon.
Ito ang inanunsyo ng Armed Forces of the Philippines kasunod ng kanilang isinagawang taunang Mutual Defense Board-Security Engagement Board meeting kasama ang US Indo-Pacific Command kamakailan lang sa AFP General Headquarters sa Camp Aguinaldo, Quezon City.
Isa sa mga tinalakay ng dalawang hukbo sa naturang pagpupulong ay ang planong pagsasagawa ng nasa mahigit 500 bilateral engagements sa pagitan ng Pilipinas at Amerika para sa susunod na taon.
Kabilang na rito ay ng iba’t-ibang uri ng mga pagsasanay, high-level exchanges sa pagitan ng mga kaalyado nitong bansa, security cooperation activities, maritime security, information sharing, and capacity, at maging sa capability development.
Kung maaalala, una nang sinabi ng AFP na ang kanilang naging pagpupulong ay naging matagumpay at nagresulta rin sa strategic collaboration na muling nagpapatibay sa commitment ng dalawang bansa sa pagpapatupad ng seguridad at kapayapaan sa buong Indo-Pacific region.