-- Advertisements --

DAVAO CITY – Isinailalim na sa profiling ang mahigit 500 na indibidwal mula sa Brgy. Tacul, Magsaysay, Davao del Sur kahapon. Nasa apat na kabahayanan naman ang nasira sa rumasagasang tubig baha matapos ang malakas na buhos ng ulan.

Pinaka naapektohan ang Purok Bankerohan at Purok Kawayan. Bagama’t may mga kabahayan na inanod ng baha ay wala namang naitalang namatay o kaya ay na missing sa pagbaha.

Temporaryong nagpasilong at nagpalipas ng magdamag ang mga residente sa Brgy. Gym sa Tacul. Kaninang umaga ay nagsi uwian din ang mga bakwit, bitbit ang tulong na iniabot ng LGU Magsaysay sa mga biktima.

Ayon sa PAGASA Trough sa Low-Pressure Area malapit sa Mindanao ang sanhi ng mga nararanasang pag ulan sa isla partikular na sa timog silangan na bahagi nito.