-- Advertisements --
Natanggap ng bansa ang panibagong mahigit 500,000 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccine na donasyon ng South Korea.
Bago mag-alas nuebe kagabi ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang eroplanong pinagsakyan ng 539,430 doses.
Sinalubong ito ng mga opisyal ng Department of Health (DOH) at nakatakdang ipamahagi sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Inaasahan rin na mayroong darating ilang milyong doses ng COVID-19 vaccine sa mga susunod na araw.