Nasa mahigit kalahating milyon na mga overseas Filipino workers na ang napauwi na sa bansa mula ng manalasa ang COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na mayroong kabuuang 519,566 na OFW na ang tinulungan nila para makauwi sa kanilang mga probinsiya.
Inaayos na rin nila ang halos 49,742 na mga OFW para makauwi habang ang 78,519 na ang nagdesisyun na maiwan sa kanilang mga trabaho.
Pinatunayan pa ng DOLE na hindi nila pinababayaan ang mga OFW dahil nabibigyan nila ang mga ito ng food and medical assistance habang ang Abot Kamay Ang Pagtulong (AKAP) program ay nakamahagi na ng mahigit P5 bilyon na tulong pinansiya sa mahigit 500,000 na OFW.
Bawat OFW ay nakakatanggap ng $200 o katumbas ng P10,000 para sa mga kuwalipikado na apektado at displaced OFW.