Pinangunahan ni PNP Chief PGen. Dionardo Carlos ang pag-inspeksyon kahapon Sa Camp Crame ng 526 na loose firearms na narekober ng PNP Civil Security Group – Supervisory Office on Security and Investigation Agencies (CSG-SOSIA) ngayong buwang ng Enero.
Karamihan sa mga naturang armas ay nakumpiska sa street inspection ng mga private security services, na walang balidong permit, license to own and posses firearms (LTOPF), o Duty Detail Order (DDO).
Kasama sa mga nakumpiska ang mga armas na may burado o duplicate na serial number.
Binati ni Gen. Carlos ang mga tauhan ng CSG-SOSIA sa kanilang pagpupursige sa physical inspection ng mga security agency sa kabila ng pandemya.
Paalala naman ni Carlos sa mga security agency, ang mga ganitong uri ng mga “firearms violation” ng private security companies ay kinokonsiderang “grave offense” na may multang 50 libong piso para sa first offense at kanselasyon ng license to operate para sa second offense.