TACLOBAN CITY – Mahigit 500 mga baboy sa bayan ng Abuyog, Leyte ang kinatay matapos maitala ang African Swine fever (ASF) sa naturang lugar.
Ayon kay Francis Rosaroso, tagapagsalita ng Department of Agriculture (DA), nag umpisa ang pagkakatay ng baboy nitong linggo matapos na magpositibo sa ASF ang apat na baboy partikular na sa Barangay Can-aporong sa bayan ng Abuyog, Leyte.
Ayon pa kay Rosaroso, na ito ay hakbang ng naturang ahensya nang sa gayo n ay hindi na kumalat ang kaso ng ASF sa ilang mga lugar sa Eastern Visayas.
Patuloy na minomonitor ngayon ng DA ang 38 mga barangay hsa Abuyog, siyam sa MacArthru at tatlo sa bayan ng Javier.
Kasama din sa mga lugar na kanilang minomonitor ang nasa 10KM radius mula sa ground zero.
Ilang mga lugar sa Eastern Visayas kagaya ng Tacloban, Palo, Samar ang nagban ng baboy na magmumula sa Abuyog, Leyte.