-- Advertisements --
DAVAO CITY – Iniulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) na ipapatupad pa rin nila ang force evacuation sa mga residente sa ilang mga Barangay sa Compostela Valley na apektado ng pagbaha lalo na kung muling maranasan ang malakas na pag-ulan.
Una nang inihayag ni Kent Simeon, MDRRMO officer ng Pantukan, Compostela Valley, aabot sa higit 5,000 mga indibidwal ang apektado ng pagbaha kung saan pinakaapektado nito ang Brgy. Kingking sa nasabing lalawigan.
Dagdag pa ni Simeon na magsasagawa kaagad ang lokal na pamahalaan ng rehabilitasyon lalo na sa pinakasentro ng probinsiya na isa sa pinakaapektado ng pagbaha.
Sinasabing umapaw ang Matiao river matapos ang malakas na pag-ulan nitong nakaraang araw.