-- Advertisements --

Lalo pang lumubo ang bilang ng mga indibidwal na natukoy na apektado sa malawakang pag-ulan na dulot ng umiiral na shearline, batay sa report ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon sa ahensiya, umabot na sa 50,000 katao ang apektado. Ito ay katumbas ng kabuuang 13,912 pamilya.

Malaking bahagi nito ay mula sa Bicol Region, Western Visayas, at Central Visayas.

Inilikas na rin ang kabuuang 1,445 katao na katumbas ng 431 pamilya dahil sa banta ng mga pagbaha.

Dinala ang mga ito sa 31 evacuation center mula sa iba’t-ibang mga lugar.

Inaashaang magbabago pa ang naturang datos habang patuloy ang banta ng mga mabibigat na pag-ulan batay na rin sa pagtaya ng weather bureau ng Department of Science and Technology.