Iniulat ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na nasa 54,504 pamilya o 215,313 indibidwal ang apektado ng nagdaang malakas na lindol sa Northern Luzon.
Ayon kay DHSUD Assistant Secretary for Support Services Avelino Tolentino, base sa datos nitong August 1, nasa 1,047 families o 3,747 individuals ang pansamantalang nanunuluyan sa 42 evacuation centers.
Sa kanilang pag-obserba, mas maraming nakikitungo sa kanilang mga kaanak, tumaas pa ito sa 30,345 mula sa Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga at Mt. Province.
Ayon pa kay Tolentino, nasa 20,533 houses ang nasira bunsod ng lindol at nasa 302 kabahayan ang totally damaged.
Kaugnay nito, ini-activate na ng ahensiya ang kanilang shelter cluster teams sa Region 1, Region 2, at sa Cordillera Administrative Region para i-assist ang mga biktima sa kanilang pangangailangan sa pagkain at tubig, shelter-grade tarpaulins at pagbibigay din ng cash aid.
Nakikipag-ugnayan na rin ang kagawaran sa ibang ahensiya ng gobyerno para tiyakin ang patuloy na assistance para sa lahat ng apektadong rehiyon.