-- Advertisements --
Aabot sa 55 na elepante ang nasawi sa Zimbabwe dahil sa nararanasang tag-tuyot.
Sinabi ng tagapagsalita ng Hwange National Park na si Tinashe Farawo, na isa sa pinakamalaki nilang problema ngayon ay ang labis na kagutuman ng mga elepante.
Dahil sa nasabing nararanasang tag-tuyot ay nababawasan ang mga pananim sa lugar na kinakain ng mga hayop.
Magugunitang noong Agosto ay pinangangambahan ng World Food Programme na aabot sa dalawang milyong katao ang nanganganib na magutom sa bansa.