-- Advertisements --
Pumalo na sa mahigit 6.1 milyon na mga deboto at pilgrims ang bumisita sa “Kamay Ni Hesus” (KNH) Shrine sa Lucban, Quezon nitong Mahal na Araw.
Ayon kay Father Joey Faller, kilalang “healing priest” at nangangasiwa ng KNH, na mayroong 6,112,497 ang nakabisita sa kanila mula Abril 13 hanggang 19.
Nalagpasan nito ang mahigit na apat na milyong deboto na nagtungo sa lugar noong nakaraang taon.
Pinapanatili kasi ng mga staff at security guards na nasa entrance gate ang pagpapanatili ng automatic counters at handheld clickers para mabilang ang bumibisita.