Pumalo sa mahigit 6,700 ang bilang ng mga sumukong miyembro ng New People’s Army (NPA) sa unang bahagi ng taon.
Batay sa datos ng Armed Forces of the Philippines (AFP), mula Enero hanggang Abril 15 ng taong kasalukuyan, 6,709 na ang bilang ng mga sumukong rebelde sa pamahalaan.
Ayon kay AFP Public Affairs Office (PAO) chief Lt Col. Emmanuel Garcia, 721 dito ay mga regular NPA at miyembro ng Sangay ng Partido sa Lokal.
Nasa 513 naman ang mula sa Militia ng Bayan, 712 ang underground organizations members at 4,761 mass supporters.
Sa nasabing datos, napag-alaman din na 47 NPA ang napatay at 61 ang naaresto sa legitimate focused military operation.
Nasa 288 assorted firearms naman ang narekober mula sa kamay ng NPA.
Dagdag pa ni Garcia, malayo na rin ang narating ni Guerrero lalo na sa kampanya ng AFP laban sa terorismo.
Resulta ng pinalakas na operayon, nasa 81 local terrorist na ang kanilang napaslang, 280 ang naaresto at 96 ang napasuko.
Ipinagmalaki naman ni Guerrero na nalampasan ng AFP ang target na kanyang itinakda sa simula ng kanyang panunungkulan.