-- Advertisements --

fleet1

Nasa 6,320 mahihirap na pamilya ang nakinabang sa lingguhang pantry ng bayan ng Philippine Fleet mula nang ilunsad ang proyekto noong Abril.

Ayon kay Philippine Fleet Commander Rear Admiral Alberto Carlos, pinakahuling nabiyayaan ng mga food packs ang 200 pamilya ng Brgy. 29M, Cavite City sa ika-23 linggo ng proyekto kahapon.

Ang mga food pack ay naglalaman ng 3 kilong bigas, sariwang gulay at mga delata.

Ang outreach program ay isinasakatuparan ng Philippine Fleet sa tulong ng Tanging Yaman Foundation na pinangungunahan ni Fr. Manoling Francisco at Naval Reserve Command sa pamumuno ni Rear Admiral Dorvin Jose Legaspi.

Ayon kay RAdm. Carlos, ito’y hindi lang isang “one time Big time operation” kundi pagsisikapan nilang magtuloy-tuloy ang kanilang commitment na magbigay ng tulong sa mga mamayan ano man ang estado ng quarantine.