-- Advertisements --
Mahigit 6,000 ng mga drug suspeks ang nasawi sa patuloy na kampanya ng gobyerno ng iligal na droga.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na base sa kanilang datus hanggang Oktubre 31, 2021 ay aabot na sa 6,215 ang nasawi.
Mayroon ding 315,635 na indibidwal ang naaresto sa 218,665 na lehitimong anti-drug operations mula Hulyo 1, 2016 sa pag-upo ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa nasabing bilang ay 13,821 sa mga ito ay ikinokonsiderang high-value target.
Karamihan sa kanilang nakumpiska ay pawang mga crystal meth o shabu na umabot sa 7,330 kilo na sinundan ng marijuana na umabot sa 3,783 kilos ang nakumpiska at mga iba’t-ibang uri ng droga na bumibigat ng 3,009 kilos.