-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nasa 6,067 na mga pamilya sa Davao del Norte ang apektado sa nararanasan na pagbaha dahil sa walang tigil sa pag-ulan.

Ayon kay Mart Sambalud, Municipal Information Officer nasa anim na mga barangay ang lubog ngayon sa tubig baha.

Matinding naapektohan ang Barangay Kinamayan, New Katipunan, San Miguel, San Jose, Salvacion at Tibal-og.

Nagsagawa na ngayon ang lokal na pamahalaan ng Sto. Tomas Davao del Norte at Municipal Welfare and Development Office (MSWDO) ng relief operation para mabigyan ng tulong ang mga apektadong residente na kasalukuyang nasa sa mga evacuation centers.

Pinayuhan naman ni Mayor Evangelista si Municipal Agriculture Officer Elmer Degorio na alamin ang damyos ng agrikultura matapos ang matinding pagbaha pati na ang mga infrastraktura sa lalawigan gaya ng mga tulay ay establisyemento.

Nagtulungan naman ngayon ang opisina ni Davao del Norte Provincial Governor Edwin Jubahib at 2nd District Congressman Alan Dujali, PSWDO, PDRRMO, at ang tropa ng 89th IB “Makatao” Batallion para sa nagpapatuloy na disaster response at humanitarian efforts.

Sinasabing ang mga pagbaha sa probinsiya ay dulot umano ng masamang panahon na nararanasan sa eastern mindanao.