Nakapagpa-rehistro na ang kabuuang 62 kakandidato sa 2025 midterm elections ng kanilang social media accounts.
Ito ay matapos mag-isyu ang Commission on Elections ng isang resolution na nagmamandato sa lahat ng mga kakandidato, party-list groups at kanilang campaign teams para irehistro ang kanilang official social media account, pages, websites, at iba pang online campaign platforms hanggang Disyembre 31 bilang parte ng kanilang layunin na iregulate at ipagbawal ang maling paggamit ng socmed para sa halalan sa susunod na taon.
Susuriin naman ng Task Force sa Katotohanan, Katapatan, at Katarungan (KKK) ang mga aplikasyon saka ii-endorso sa Comelec en banc na siyang maga-apruba o magdi-disapprove.
Ang mga maaprubahan namang aplikasyon ay ilalathala sa official website at socmed accounts ng poll body.