-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Naitala sa Isabela ang 61 panibagong kaso ng COVID-19.

Sa inilabas na abiso ng pamahalaang panlalawigan, 15 sa mga bagong kaso ang mula sa Santiago City, tig-sisiyam sa Ramon at Naguilian, tig-lilima sa Tumauini, Cabagan at Ilagan City, 3 sa Alicia, tig-dadalawa sa Cabatuan, lunsod ng Cauayan at Luna habang tig-iisa naman sa Cordon, Quirino, San Isidro at San Mariano.

Dahil dito, nasa 610 na ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela.

Tatlo rito ang Returning Overseas Filipino,13 ang non-authorized persons outside residence , 47 ang health worker, 33 ang pulis at 514 ang mula sa local transmission.

Magandang balita naman dahil mas marami ang gumaling na umabot sa 62.

Muling pinaalalahanan ng provincial government ng Isabela ang publiko na sundin ang mga alituntunin at huwag lumabas sa tahanan kung hindi kinakailangan.