-- Advertisements --

Umabot na sa 60,442 pamilya ang naitalang apektado sa malawakang pag-ulan at pagbahang dulot ng shear line, batay sa datus ng Depatment of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang mga ito ay mula sa Bicol Region, Mimaropa Region, at Eastern Visayas.

Ang mahigit 60K pamilya ay binubuo ng 225,940 katao mula sa 384 barangay.

Hanggang sa ngayon, nananatili pa rin sa mga evacuation center ang 1,078 pamilya na binubuo ng 4,049 katao.

Pansamantala namang nakikitira sa kanilang mga kaanak at kakilala ang kabuuang 1,812 pamilya na binubuo ng 6,921 katao.

Batay pa sa datus ng DSWD, umabot na sa 17 kabahayan ang natukoy bilang totally damager habang 80 kabahayan ang partially damaged.

Maaari pang magbago ang naturang datus habang patuloy ang ginagawang assessment ng DSWD sa ground na pangunahing naaapektuhan sa malawakang pag-ulan at pagbaha.