Umabot na sa kabuuang 60,406,424 doses ng COVID-19 vaccine ang na-administer sa buong bansa mula ng simulan ang rollout noong Marso.
Ayon kay Health Usec. Myrna Cabotaje, ang National Capital Region ang may pinakamataas na bilang ng fully vaccinated na indibidwal na nasa 8.6 million o 88.13% ng kabuuang 13.9 million populasyon.
Sinundan ito ng Cordillera Administrative Region (CAR) na nasa 502,283 fully vaccinated individuals o 39.37%.
Malapit na ring makumpleto ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa A1 priority group o health workers kung saan nasa 95.39% na ang fully vaccinated.
Patuloy pa rin ang panghihikayat sa mga senior citizens na kabilang sa A2 priority group na magpabakuna dahil nasa 57.98% pa lamang ang nakakatanggap ng ikalawang dose ng covid19 vaccines.
Sa A3 priority group naman o mga indibidwal na may comorbidities , nasa 81.56% ng target population ang fully vaccinated na.
Sa sektor naman ng essential sector nasa kabuuang 33.72% ang naturukan na ng dalawang dose habang nasa 23.88% naman sa A5 priority group o sa indigent population.
Ang nalalabi namang adult population sa bansa nasa 381,969 na ang fully vaccinated.
Target na maabot ng pamahalaan ang population protection bago matapos ang taon kung saan itinaas sa 80 hanggang 90 porsyento ng eligible populasyon o katumbas ng 88 million ang mabakunahan kontra COVID-19.