Nasa mahigit 60 million Pilipino na ang nakakumpleto ng biometrics registration para sa National ID ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Umaasa si PSA Undersecretary Dennis S. Mapa, National Statistician and Civil Registrar General na mas marami pang mga Pilipino ang magparehistro sa Philippine Identification System (PhilSys) at maabot ang target para ngayong taon kasabay ng pagluluwag sa community quarantine restrictions.
Sa kabila naman ng pagbabago sa mga quarantine restrictions, kailangan pa rin ng mga registrants na sumunod sa safety protocols gaya ng physical distancing , pagsusuot ng facemask at regular sanitation para sa pagproseso ng National ID sa pagkuha ng biometric information gaya ng fingerprints, iris, at front-facing photographs sa mga PSA registration centers.
Samanatala, naglabas na ng isang memorandum circular ang malacanang na nagaatas sa lahat ng government establishments na maghanda para sa pagtanggap ng PhilSys sa kanilang pagproseso at serbisyo.
Sa hiwalay naman na executive order, lahat ng government agencies at private establishments ay inatasan na tanggapin ang PhilID card at PhilSys Number bilang proof of identity sa pakikipagtransakyon.