-- Advertisements --
BARMM BFP

KORONADAL CITY – Nasa 66 na mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Armed Forces ng Moro Islamic Liberation Front (MILF-BIAF) na nasa ilalim ng kanilang general staff ang nakatakdang maging miyembro ng Bangsamoro Emergency Responders ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ito ay matapos na sumailalim sa orientation ng Rapid Emergency Action on Disaster Incidence (READI-BARMM) ang mga ito.

Kaugnay nito, tatawagin umano silang “Bantay Tulay” dahil sila ang inatasang magbantay sa mga ilog at tulay na sakop ng BARMM.

May matatanggap din umanong allowance kada buwan ang mga nasabing emergency responders bilang bahagi ng programa.

Napag-alaman na unang made-deploy sa Maguindanao ang mga emergency responder at inaasahang magkakaroon din na kahalintulad na mga bantay sa iba pang mga lalawigang sakop ng BARMM.