-- Advertisements --
Nakatanggap ang bansa ng panibagong 609,570 doses ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine.
Pasado alas-otso ng gabi ng Nobyembre 18 ng lumapag ang eroplano na pinaglagyan ng bakuna sa Ninoy Aquino International Airport Terminal (NAIA) Terminal 3.
Pinasalamatan ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 Assistant Secretary Wilben Mayor ang US dahil sa pagtulong sa Pilipinas para mabili ang nasabing bakuna.
Dagdag pa nito na mayroon pang darating na mahigit 600,000 doses din ng Pfizer vaccine ngayong Nobyembre 19.