-- Advertisements --
Pinabalik ng Thailand ang nasa 600 na refugee na naipit sa labanan ng mga militar at mga ethnic rebels sa kanilang borders.
Ayon kay Provincial Governor Somchai Kitcharoenrungroj na karamihan sa mga migrants ay nagkusang bumalik sa kanilang lugar dahil sa nababahala sila sa kanilang mga ari-arian.
Kinondina naman ito ni Human Rights Watch deputy Asia director, Phil Robertson ang ginawa ng Thailand.
Sinabi nito na hindi dapat madaliin ng Thailand ang pagpapauwi ng mga refugee sa kanilang bansa dahil sa nanganganib pa rin ang kanilang buhay.
Aabot kasi sa 1,000 mga refugee mula Myanmar ang gumawa na ng pansamantalang tirahan sa border nila ng Thailand.