-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Mino-monitor sa ngayon ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Lake Sebu, South Cotabato ang natuklasang 600 sinkholes sa bahagi ng Barangay Ned.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Lake Sebu, South Cotabato Mayor Floro Gandam mahigpit nilang tinututukan ang sitwasyon sa mga apektadong lugar na nakitaan ng sinkholes lalo na at sunod-sunod ang mga naranasang lindol sa rehiyon.

Dagdag pa nito na may mga tension cracks din sa Sitio Tuburan at Sitio Pulo Subong kung saan ang mga sementadong daan at nahati at naghiwalay.

Dahil dito pinag-aaralan ang road closure at rerouting of vehicles upang maiwasan ang mga disgrasya matapos masira ang mga daan.

Napag-alamang nitong araw ng Linggo ay niyanig din ng Magnitude 3.5 na lindol ang Lake Sebu South Cotabato.