Mag-aalok ang Department of Migrant Workers (DMW) ng mahigit 6,000 na trabaho sa ibayong-dagat para sa mga manggagawang Pilipino, kasabay ng Independence Day Mega Jobs Fair bukas, June 12.
Ayon sa DMW, ang mga ito ay naaprubahan nang job orders sa abroad, kung saan mayroong 21 recruitment agencies na makikibahagi.
Kasabay nito ay hinikayat ng ahensiya ang mga Pilipinong may planong magtrabaho sa ibayong-dagat na samantalahin ang job offering ng ahensiya.
Ayon sa ahensiya, nakahanda rin ang mga empleyado nitong tumulong sa mga manggagawang nais sumubok sa isasagawang Job Fair.
Ang Mega Job Fair ay ilulunsad ng pamahalaan kasabay ng selebrasyon sa Araw ng Kalayaan bukas, June 12. Dito ay mabibigyan ng pagkakataon ang mga manggagawang Pilipino upang makapag-apply sa mga bakanteng trabaho kapwa sa pribado at pampublikong sektor.