-- Advertisements --

Mahigit 60,000 public utility vehicles (PUVs) ang maaaring ma-phase out dahil opisyal nang naglabas ng kautusan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na bawiin ang mga prangkisa ng mga unit na hindi sumusunod sa consolidation requirement.

Sa ilalim ng Memorandum Circular 2023-051, ang lahat ng may pansamantalang awtoridad na ibinigay sa mga indibidwal na operator at para sa mga rutang walang pinagsama-samang transport service entities (TSE) ay ituturing na bawiin sa Enero 1, 2024.

Ang MC ay nilagdaan ng Lupon noong Disyembre 14, ang unang araw ng transport strike.

Matatandaang sinabi ni Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston) president Mody Floranda na maaaring maharap ang bansa sa trasnport crisis kapag itinulak pa rin ang year-end consolidation.

Idinagdag ni Floranda na nagulat sila sa paglalabas ng memorandum dahil kausap pa lamang nila ni LTFRB chairman Teofilo Guadiz, kung saan ipinahayag nila ang kanilang kahilingan na suspindihin ang deadline ng consolidation.

Sa ilalim ng MC, ang mga unit ay hindi papayagang magrehistro dahil ang mga PUV at operator ay bibigyan ng show cause order.

Ang mga transport service entities na naghain ng aplikasyon para sa consolidation ay pinahihintulutang magpatuloy na mag-operate sa ilalim ng kanilang umiiral na pansamantalang awtoridad hanggang Disyembre 31, 2024.

Una na rito, sinabi ni Floranda na kumukunsulta sila sa kanilang legal counsel para posibleng kwestyunin ang omnibus franchising guidelines ng PUVMP.