-- Advertisements --

Ibinunyag ng Commission on Audit (COA) na aabot sa 68 milyon dosage ng COVID-19 vaccines ang nasayang.

Mula 2021 hanggang 2022 ay naitala ang pinakamataas na pagkasayang ng mga bakuna at booster rates na aabot sa P74.68 milyon mula sa COVID-19 Vaccination Program ng gobyerno.

Base sa datus umano ng Department of Health na ang mahigit 68-milyon sa halos 252-milyon na mga doses ng COVID-19 vaccines na binili at donasyon sa gobyerno ang iniulat na “wastage’.

Ilan sa dahilan ng pagkasayang ay mayroong ilang mga LGU ang hindi tinatanggap ang deliveries ng mga bakuna dahil sa maikli na ang shelf life nito.