-- Advertisements --

Maagang nakatanggap ng Christmas gift mula sa pamahalaang lungsod ang mahigit 69,000 senior citizen sa Valenzuela City. 

Sinabi ni Mayor Weslie Gatchalian na hindi bababa sa 69,025 senior citizens ang nakalista bilang benepisyaryo ng kanilang Pasko sa Hulyo Para Kay Lolo at Lola na inilunsad noong Hulyo 12.

Ang bawat matatandang nakarehistro sa Office for Senior Citizen Affairs ay may matatanggap na 10 kilo ng bigas, na inani sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Nagkakaisang Magsasaka ng Isabela Agriculture Cooperation mula sa lalawigan ng Isabela.

Ang pamamahagi ay tatakbo sa loob ng limang araw na cover sa lahat ng 33 barangay ng lungsod. 

Para makuha ang kanilang regalo, sinabi ni Gatchalian na kailangang dalhin ng mga tatanggap ang kanilang mga voucher at OSCA identification card sa itinalagang venue.