CENTRAL MINDANAO – Tatanggap ng separation pay ang mga empleyado ng dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) kung sasailalim sila sa phase out plan.
Maaaring kumuha ang mga dating kawani ng ARMM ng early retirement bago magtapos ang 2019.
Umaabot sa mahigit 6,000 na mga empleyado ng ARMM ang tatanggalin sa kanilang trabaho ngunit dadaan sa phase out plan.
Ito ay bahagi ng transition ng bagong tatag na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanano (BARMM) sa ilalim ng pamumuno ni Chief Minister Alhaj Murad Ibrahim.
Sinabi ni Local Government Minister Atty Naguib Sinarimbo na magbubukas ng mga bagong posisyon sa trabaho sa BARMM sa darating na buwan ng Enero 2020.
Ngunit kailangan anya na ayusin muna ang mga tanggapan o ahensiya sa BARMM sa kanilang bagong istruktura.
Bubuksan sa mahigit 400 na mga bagong posisyon na nais magtrabaho sa BARMM sa susunod na taon.