Matapos ang ilang dekada na pagtutok sa internal security operations laban sa mga komunistang rebelde at iba pang mga threat groups lalo na sa Mindanao, sinimulan na rin ng Philippine Army ang pagtutok sa operational capabilities nito sa pagdepensa ng ating mga teritoryo.
Para masubok ang pagpapatupad ng defense strategic plan ng hukbong sandatahan, mahigit 6,000 Army troopers ang inaasahang makikilahok sa Philippine Army’s CATEX, o ang Combined Arms Training Exercise (CATEX) “Katihan” na gaganapin sa Marso.
Ayon kay Army spokesperson Col. Louie Dema-ala, ang mga makikilahok sa naturang pagsasanay ay magmumula sa contingents mula sa iba’t ibang parte ng bansa.
Ang naturang large-scale exercise ay susubok sa kapasidad ng Army para kumilos, magmaniobra at panatilihin ang large-scale forces sa kasagsagan ng combat operations.
Ayon kay Col. Dema-ala ang pinal na pag-uusap kung paano isasagawa ang naturang pagsasanay ay isinapinal na sa isinagawang pagpupulong ng matataas na opisyal ng PA.
Isasagawa ang nasabing military exercises sa iba’t ibang kampo ng PA sa Luzon, Visayas at Mindanao.