-- Advertisements --

Bibigyan ng Hong Kong ng tig-$1,280 ang mga permanent resident nila para mapalakas ang spending at maibsan ang problemang pinansiyal.

Ang nasabing halaga ay bahagi ng kanilang budget na ipapamahagi sa mahigit pitong milyong katao na may edad 18 pataas.

Ayon kay Financial Secretary Paul Chan, na humarap sa hamon ang Hong Kong dahil sa ilang buwang naganap na kilos protesta na sinundan pa ng banta ng coronavirus.

Dagdag pa nito na dahil sa nasabing hakbang ay mapapalakas nila ang local consumption at mapapagaan ang kahirapan.

Bukod sa nasabing hakbang ay binabaan din ng mga otoridad nag public housing rent at may mga rebates silang natatanggap sa sahod at property taxes.