-- Advertisements --
Nasa mahigit pitong milyon na accounts na pag-aari ng mga minor de -edad ang tinanggal ng video apps na TikTok.
Isinagawa ang nasabing pagtanggal sa unang tatlong buwan ng 2021.
Ayon pa sa Chinese-owned app na mayroong nasa 62 milyong videos na ang kanilang tinanggal sa unang quarter ng taon dahil sa paglabag umano ng kanilang community standards kabilang nag “hateful” content, nudity, harassment o hindi ligtas sa mga minor de edad.
Mayroon silang monitoring team na mahigpit na nagsasala sa mga accounts at users na hindi nagsasabi sa kanilang totoong edad.
Aabot kasi sa mahigit one billion users ng TikTok sa buong mundo kabilang na dito ang mahigit 100 milyon users sa US.