-- Advertisements --
Nasa mahigit 70,000 mamamayan ng Bahamas ang nagkukumahog pa rin ngayon matapos na mawasak ang kanilang bahay sa pananalasa ng category 5 hurricane Dorian.
Mahigit 1,500 na hurricane victims ang inilikas patungong Florida.
Nagbabala nama ang gobyerno ng Bahamas na posibleng tumaas pa ang bilang ng mga nasawi na nasa 43 na ngayon.
Patuloy na bumubuhos ng tulong mula sa iba’t-ibang bansa na pinangunahan ng United Nation na nagbigay ng mga tent habang nagbigya ng kabuuang $2.8 million ang US Agency for International Development para sa food, shelter, water containers at iba pa.
Ang bayan ng Marsh Harbour sa Abacos ang itinuturing na matinding tinamaan ng Hurricane Dorian.