-- Advertisements --
Mahigit 70,000 pamilya ang lumikas dahil sa matinding pagbaha sa Paraguay.
Ayon sa Department of Meteorology and Hydrology (DMH) mabilis na tumaas ang tubig sa Paraguay River kaya itinaas nila sa “disaster” level kaya agad nilang pinalikas ang maraming residente.
Maging ang ilang mga residente na naninirahan sa Argentinian border ay pinalikas na rin.
Pinagana na ng gobyerno ang kanilang mga sundalo para sa pagrescue ng ilang daang residente na apektado ng pagbaha.