Nakapag-ani na ang mahigit 70% ng mga magsasaka mula sa mga lugar na inaasahang dadaanan ng bagyong Kristine.
Ito ay batay sa report ng Department of Agriculture(DA).
Ayon kay DA Assistant Secretary Arnel de Mesa, nagawa ng mga magsasaka na anihin muna ang kanilang mga pananim bago pa man ang pananalasa ng bagyo.
Ayon sa opisyal, maayos pa rin ang kalidad ng mga ito ito sa kabila ng early at forced harvest.
Batay sa pagtaya ng DA, inaasahang 1.3 milyon ektarya ng mga palayan at maisan ang maapektuhan sa pananalasa ng naturang bagyo mula sa mga sakahan sa Cordillera, Ilocos Regions, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Eastern Visayas, at Caraga.
Humigit-kumulang 15% dito ang pinapangambahang labis na masisira, lalo na yaong mga sakahan na pumasok na sa 2nd o 3rd cropping period.
Maalalang bago ang pagpasok ng bagyong Kristine sa teritoryo ng Pilipinas ay naglabas na ng abiso ang DA para sa mga magsasaka na nag-aatas sa mga ito na anihin na ang kanilang mga pananim na pwede nang anihin.