-- Advertisements --

Umabot sa mahigit 70 pamilya ang nawalan ng bahay matapos na sumiklab ang malaking sunog sa Barangay Tonsuya, Malabon City.

Pawang mga gawa sa light materials kaya mabilis na natupok ang nasa 45 na bahay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) na nagsimula ang sunog sa isang residente kaya agad itong kumalat.

Aabot rin sa mahigit P850,000 ang halaga ng danyos sa nasabing insidente.