LEGAZPI CITY- Pumalo pa sa 708 ang mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections na umatras sa kanilang kandidatura sa buong Bicol region.
Ayon kay Commission on Elections Bicol Bicol Director Atty. Ma. Juana Valeza sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, may natatanggap silang mga ulat na kinukumbinsi ng ilang personalidad an mga kandidato na umatras upang bigyang daan ang kanilang mga kalaban.
Subalit nilinaw ng opisyal na bineberipika pa ang naturang impormasyon.
Aniya, wala namang magagawa ang komisyon kung kusa na umaatras ang mga aspirants subalit nakakalungkot umanong isipin na ang Pilipinas ay isang demokratikong bansa subalit tila napipilitang umatras.
Samantala, kinumpirma ni Valeza na mayroong pitong kandidato sa pagiging punong barangay ang pinalabasan ng order of suspensyon sa kanilang proklamasyon kung sakaling manalo ang mga ito.
Bunga ang naturang suspenyon ng pagiging guilty ng naturang mga aspirants sa criminal offense at pre-mature campaigning.
Subalit nagpaalala ang opisyal na kinakailangang masiguro na mula sa Commission on Elections ang lumalabas na suspensyon lalo pa at marami umano ngayon ang namemeke ng mga dokumento.