-- Advertisements --

Dumating na sa bansa ang mahigit 700,000 doses ng COVID-19 vaccine mula sa kompaniyang Pfizer na binili ng gobyerno.

Pasado alas-9:00 nitong gabi ng Miyerkules ng lumapag sa Ninoy Aquino International Airport ang eroplanong pinagsakyan ng 650,520 doses ng Pfizer.

Bago ito ay una ng nai-deliver ang 51,480 doses ng nasabing bakuna sa Cebu pasado alas-6:00 ng gabi.

Ayon sa National Task Force against COVID-19, dadalhin ang 51,480 doses din sa Davao ngayong Setyembre 16.

Mula noong Pebrero mayroon ng mahigit 57 milyon ang natanggap na bakuna ng Pilipinas.