Umabot sa kabuuang 702 na mga aplikante na nagsumite ng kanilang pangalan para makasali sa Women’s National Basketball League sa bansa.
Ang nasabing bilang ay inilabas matapos ang ilang linggo ng isara ng WNBL ang deadline ng pagtanggap ng mga aplikante ng hanggang Setyembre 22.
Maaga anila isinara ang pagtanggap ng aplikante dahil sa mataas na turnout.
Labis naman na ikinasiya ni WNBL Executive Vice President Rhose Montreal ang dami ng mga bilang ng mga nag-apply.
Nagpapakita lamang na maraming mga kababaihan sa bansa a ng interesado sa paglalaro ng basketball.
Kasali ang 702 na mga aplikantes sa draft combine schedule mula Oktubre 12-16 na gaganapin sa Pampanga.
Hindi kasama sa draft ang mga may edad 21-anyos pababa at ang credentials ng bawat manlalaro ay siyang kanlang criteria.