-- Advertisements --

Umabot sa 700 na mga flagellants o nagpenetensiya sa Mariveles, Bataan.
Base sa PNP na hindi inalintana ng mga dumalo ang matinding init ng panahon.

Hiling ng mga lumahok sa pagpepenetensiya ay matapos na ang nararanansang pandemya.

Kabilang din sa kanilang kahilingan ang pagkakaroon ng mahalal na isang matinong pinuno.

Nagbigay naman ng ilang inumin ang mga nanonood sa nasabing taunang pagpepenetensiya.

Magugunitang dalawang taong hindi natunghayan ang nasabing aktibidad dahil sa COVID-19 pandemic.