-- Advertisements --

Aabot na sa 753 na mga kapulisan ang tinanggal na sa serbisyo ng Philippine National Police (PNP) mula Abril 1, 2024 hanggang Pebrero 12, 2025.

Ayon sa PNP , na ang mga ito ay dahil sa iba’t-ibang mga kaso gaya ng paggamit ng iligal na droga, robbery/ extortion, carnapping, homicide, rape, AWOL, murder, graft.

Mula Enero 1, 2022 hanggang Pebrero 12, 2025 ay mayroong kabuuang 2,598 na ang tinanggal sa serbisyo.

Una ng sinabi ni PNP chief General Rommel Marbil na hindi niya kukonsintihin ang mga maling gawainng mga tiwaling pulis.