-- Advertisements --
Makakatanggap ang mga kababalik na benepisyaryo ng 4Ps ng kanilang retroactive benefits.
Maalalang mahigit 700,000 beneficiaries ang muling ibinalik sa DSWD 4Ps program kasunod ng isinagawang malawakang assessment sa mga miyembro at mga dating tinanggal.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, retroactive ang pagbabalik sa benepisyo ng mga benepisyaryo. Ibig sabihin, makukuha nila ang kanilang mga benepisyo mula Enero hanggang Disyembre 2023.
Una nang sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na inaprubahan at nailabas na ang karagdagang P5 billion na pondo para sa 700k household beneficiaries.
Pero paalala ni Dumlao, dapat magamit ang mga matatanggap na pondo sa edukasyon ng mga batang bahagi ng programa.