-- Advertisements --
Kanselado ang mahigit 74 domestic flights ngayong araw dahil sa masungit na panahon, dala ng bagyong Kristine.
Ang mga ito ay mula sa Ninoy Aquino International Airpor t(NAIA) papunta sa iba’t-ibang mga probinsya sa bansa.
Dahil dito, apektado ang mahigit 11,000 pasahero na nakatakda sanang bumiyahe sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Kinabibilangan ito ng Manila patungo sa mga probinsya sa Northen Luzon, Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.
Pinaalalahanan naman ng Manila International Airport Authority ang publiko na tumawag muna sa mga airline companies bago tumulak patungo sa mga paliparan upang hindi magkumpulan sa mga airport.