-- Advertisements --
Inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na 74,089 public utility vehicle (PUV) units na ang nabigyan ng fuel subsidies.
Sinabi ng board na nakapagtala sila ng 121,979 operator bilang mga kwalipikadong benepisyaryo sa programa.
Nakatanggap ang mga operator na ito ng mahigit 480 milyon, na ipapamahagi ng gobyerno.
Sa kabuuan, nasa P795,187,500 ang halaga ng na-disburse o naipamahagi ng LTFRB para ipamigay sa mga benepisyaryo ng Fuel Subsidy Program (FSP).
Mula sa datos na ito, nakatanggap na ang mga kwalipikadong benepisyaryo ng katumbas na halaga na P483,748,500.)
Sa ngayon, kasalukuyan pa ring namamahagi ang LTRFB ng fuel subsidies sa mga driver at operators ng mga pampublikong sasakyan.