-- Advertisements --

Nakapagtala ang Philippine Coast Guard (PCG) ng 75,261 outbound passengers at 82,528 inbound passengers sa lahat ng pantalan sa buong bansa ngayong huling weekend bago ang Pasko.

Kaya naman, nagtalaga sila ng 2,902 frontline personnel sa 16 PCG Districts para umalalay sa buhos ng mga byahero.

Dito ay nakapag-inspect sila ng 606 vessels at 609 motorbancas.

Ang PCG ay isinailalim ang kanilang districts, stations at sub-stations sa heightened alert mula December 20, 2024 hanggang January 3, 2025.

Layunin nitong matugunan ng kanilang mga tauhan ang pag-alis at pagbabalik ng mga bakasyunista sa panahon ng holiday season.

Para sa anumang concern, maaaring makipag-coordinate sa PCG page o Coast Guard Public Affairs Service (0927-560-7729), lalo na ang may kinalaman sa travel protocols at regulations.